Mag-schedule ng awtomatikong reboot pagkatapos mailapat ang isang update sa Google Chrome OS.
Kapag nakatakda sa true ang patakarang ito, ise-schedule ang isang awtomatikong reboot kapag nailapat ang isang update sa Google Chrome OS uat kinakailangan ang isang reboot upang kumpletuhin ang proseso ng pag-update. Naka-schedule kaagad ang reboot ngunit maaaring maantala sa device nang hanggang sa 24 oras kung kasalukuyang ginagamit ng isang user ang device.
Kapag nakatakda sa false ang patakarang ito, walang ise-schedule na awtomatikong pag-reboot pagkatapos mailapat ang update sa Google Chrome OS. Makukumpleto ang proseso sa pag-update sa susunod na i-reboot ng user ang device.
Kung itatakda mo ang patakarang ito, hindi ito maaaring baguhin o i-override ng mga user.
Tandaan: Sa kasalukuyan, naka-enable lang ang mga awtomatikong reboot kapag ipinapakita ang screen sa pag-login o kung may kasalukuyang kiosk app session. Mababago ito sa hinaharap at palaging malalapat ang patakaran, isinasagawa man ang isang session ng anumang partikular na uri o hindi.
Registry Hive | HKEY_LOCAL_MACHINE |
Registry Path | Software\Policies\Google\ChromeOS |
Value Name | RebootAfterUpdate |
Value Type | REG_DWORD |
Enabled Value | 1 |
Disabled Value | 0 |