Mga Host na Bubuksan sa Alternatibong Browser

Nagbibigay-daan sa iyong tukuyin ang isang listahan ng mga host domain name na bubuksan sa Alternatibong browser.

Kung naka-enable ang patakaran, kailangan mong magbigay ng listahan ng mga filter na magti-trigger sa paglipat sa alternatibong browser. Ang bawat entry ay dapat na isa sa apat na sumusunod na uri:

Bahagi ng host-name: Alinman sa kumpletong mga domain name tulad ng "www.example.com" ang dapat tukuyin o mga bahagi ng mga ito tulad ng "example.com" o kahit "example". Hindi pa sinusuportahan ang mga wildcard.
Prefix ng URL: Mga wastong prefix ng URL lang ang itinutugma nang kumpleto sa protocol at sa port kung kinakailangan. Hal. "http://login.example.com" o "https://www.example.com:8080/login/".
Negatibong entry: Nagsisimula sa "!" at nagpapatuloy bilang bahagi ng host-name o prefix ng URL tulad ng inilalarawan sa itaas. Palaging binubuksan sa Chrome ang mga negatibong entry. Hal. "!example.com" o "!file:///c:/localapp/".
Wildcard na entry: Naglalaman lang ng isang character na "*." Tumutugma sa anumang URL. Sadyang ginagamit kasama ang mga negatibong entry, kung ang karamihan ng mga URL ay dapat buksan sa alternatibong browser at maliit na seleksyon lang ng mga URL ang dapat na nakabukas sa Chrome.

Binibigyan ng mas mataas na priyoridad ang mga negatibong entry kaysa sa mga positibong entry na nagbibigay-daan sa pag-whitelist ng malalaking bahagi ng domain habang naglalaan ng mas maliliit na seksyong bubuksan sa Chrome.
Kung naroon ang wildcard na entry, mailalapat lang ito kung nasuri na lahat ng iba pang panuntunan.

Sinusubaybayan ang mga sumusunod para sa pag-redirect: http:, https:.

Kung hindi tinukoy o kung hinayaang walang laman - walang mati-trigger na paglipat sa alternatibong browser.

Supported on: Microsoft Windows XP SP2 o mas bago

Mga Host na Bubuksan sa Alternatibong Browser

Registry HiveHKEY_LOCAL_MACHINE
Registry PathSoftware\Policies\Google\Chrome\3rdparty\Extensions\heildphpnddilhkemkielfhnkaagiabh\policy\url_list
Value Name{number}
Value TypeREG_SZ
Default Value

legacybrowsersupport.admx

Administrative Templates (Computers)

Administrative Templates (Users)