Tumutukoy ng isang listahan ng mga plugin na pinagana sa Google Chrome at pumipigil sa mga user na baguhin ang setting na ito.
Magagamit ang mga wildcard na character na '*' at '?' upang itugma ang mga pagkakasunud-sunod ng mga arbitrary na character. Itinutugma ng '*' ang isang arbitrary na numero ng mga character habang tinutukoy ng '?' ang isang opsyonal na isahang character, hal. itinutugma ang zero o isang character. Ang escape na character ay '\', kaya upang tumugma sa aktwal na '*', '?', o '\' na mga character, maaari kang maglagay ng isang '\' sa harap ng mga ito.
Palaging ginagamit sa Google Chrome ang tinukoy na listahan ng mga plugin kung naka-install ang mga ito. Ang mga plugin ay minamarkahan bilang pinagana sa 'about:plugins' at hindi magagawa ng mga user na hindi paganahin ang mga ito.
Tandaang ino-override ng patakarang ito ang parehong DisabledPlugins at DisabledPluginsExceptions.
Kung hinayaang hindi nakatakda ang patakarang ito maaaring hindi paganahin ng user ang anumang plugin na naka-install sa system.
Registry Hive | HKEY_LOCAL_MACHINE or HKEY_CURRENT_USER |
Registry Path | Software\Policies\Google\Chrome\EnabledPlugins |
Value Name | {number} |
Value Type | REG_SZ |
Default Value |